--Ads--

Tutol si Senador Erwin Tulfo sa iniulat na hiling ni Bise Presidente Sara Duterte na sagutin ng Senado ang gastusin sa catering service para sa kanyang defense team at mga kawani ng Office of the Vice President (OVP) sa impeachment trial.

Ayon kay Tulfo, kinuwestiyon ng mga senador kung saan kukunin ang pondo para rito at kung bakit Senado pa ang magbabayad sa caterer na sila rin ang pipili. Aniya, kailangan ding managot ang Senado sa Commission on Audit (COA) hinggil sa naturang gastos.

Batay sa liham na may petsang Hulyo 7, hiniling ni Duterte kay Senate President Sherwin Gatchalian ang pag-apruba sa catering arrangements, kabilang ang pagkain at inumin sa kanilang holding area, at ang pagsagot ng Senado sa bayarin.

Samantala, sinabi ni Senador Ping Lacson na hindi siya sang-ayon sa naturang kahilingan dahil maaari itong lumabag sa procurement laws. Wala pang pahayag ang OVP kaugnay sa isyu.