--Ads--
Ipinagbawal ng Senate impeachment court nitong Miyerkules sa mga senator-judge at abogado ng prosecution at defense ang pagkomento sa merito ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay impeachment court presiding officer Sen. Francis “Chiz” Escudero, prospective ang ruling, ibig sabihin ay saklaw lamang nito ang mga pahayag na ginawa matapos ilabas ang desisyon noong Agosto 26.
Gayunman, nilinaw ni Escudero na hindi saklaw ng pagbabawal ang mga spokesperson ng magkabilang panig at malaya silang magbigay ng kanilang mga pahayag tungkol sa kaso.










