--Ads--

Sa pagbubukas ng dalawang araw na summit sa Beijing, sinabi ni Chinese President Xi Jinping kay US President Donald Trump na umuusad ang pag-uusap ng dalawang bansa sa kalakalan, ngunit nagbabala na ang isyu ng Taiwan ay maaaring magdulot ng seryosong tensyon kung hindi maayos na mapapamahalaan.

Ayon sa ulat ng Xinhua, iginiit ni Xi na makabubuti sa buong mundo ang matatag na ugnayan ng dalawang pinakamalaking ekonomiya, at aniya, “kapag nagtutulungan, parehong nakikinabang; kapag nagkakontra, parehong nahihirapan.” Tugon naman ni Trump, maaaring ito ang “pinakamalaking summit,” at tinawag si Xi na isang “great leader.”

Sa mga closed-door talks, iniulat na nagkaroon ng “overall balanced and positive outcome” ang pag-uusap sa kalakalan, na layong panatilihin ang trade truce na naabot noong Oktubre at maglatag ng mekanismo para sa mas matatag na kalakalan at pamumuhunan sa hinaharap.

Gayunman, nananatiling pangunahing isyu ang Taiwan, na binigyang-diin ni Xi bilang kritikal sa relasyon ng US at China. Binalaan niya na ang maling paghawak dito ay maaaring magbunsod ng hindi kanais-nais na sitwasyon.

Kasama ni Trump sa pagbisita ang ilang malalaking business leaders, habang inaasahang tatalakayin din ng dalawang panig ang trade imbalances, export controls, artificial intelligence, at iba pang usaping pang-ekonomiya.