--Ads--
Umabot sa P18.13 trilyon ang utang ng pamahalaan noong Enero 2026, ayon sa Bureau of the Treasury. Mas mataas ito ng 2.41% kumpara noong Disyembre, at higit 11% kumpara sa nakaraang taon.
Ayon sa BTr, sinadya ng pamahalaan ang maagang pangungutang upang makakuha ng mas mababang interes bago pa tumaas ang gastos sa pandaigdigang merkado.
Sa kabuuang utang, 68% ay mula sa lokal na pinagkukunan, habang tumaas din ang panlabas na obligasyon dahil sa bagong global bonds at tulong mula sa mga international partners.
Iginiit ng BTr na nananatiling “sustainable” o kaya pang bayaran ang kasalukuyang antas ng utang sa kabila ng mga hamon sa ekonomiya.





