--Ads--
Photo © Punch.Dagupan

BAGUIO CITY – Arestado ang apat na katao dahil sa palabag nila sa COMELEC gun ban sa mga lalawigan ng Kalinga at Abra mula ng magsimula ang election period.

Ayon sa Police Regional Office Cordillera (PROCOR), nahuli sa checkpoint sa Tabuk City, Kalinga sina Feliciano Ladiong at Nicanor Tagatag matapos makumpiskahan ng mga baril na may lamang bala.

Nakuha kay Ladiong ang isang caliber 45 habang nakuha kay Tagatag ang isang caliber .380 kung saan wala silang ipinakitang permit to carry and possess at kaukulang dokumento mula sa COMELEC.

Nahuli naman si Mark John Biccay sa isinagawang checkpoint sa San Quintin, Abra dahil sa pagdadala niya ng calliber 38 revolver na walang dokumento.

Sinampahan din ng kasong paglabag sa Omnibus Election Code ang dating drug personality na si Raffy Reballos matapos makuha sa kanya ang isang bala ng caliber 9mm matapos mahuli sa buy-bust operation laban sa kanya sa Bangued, Abra.