--Ads--

Matagumpay na isinagawa ng Department of Agrarian Reform – Abra (DAR-Abra) ang Stakeholders’ Engagement with the Youth for Project SPLIT noong Marso 11-12, 2025 sa University of Abra – Main Campus, Lagangilang at Northern Abra National High School (NANHS), San Juan, Abra.

Layunin ng programa na palawakin ang kaalaman ng kabataan sa repormang pang-agraryo, hikayatin silang makilahok sa sektor ng agrikultura, at ipakilala ang mga oportunidad tulad ng PelikulAgraryo 2025 at DAR Scholarship Program para sa mga Anak ng ARBs (DSP-DARBs).

Sa University of Abra, 50 mag-aaral sa agrikultura ang lumahok sa talakayan na pinangunahan nina Engr. Jerrieco Belisario, Mariflor B. Torreliza, at Jhay Armington. Samantala, mahigit 150 Grade 12 students ang dumalo sa NANHS, kung saan itinampok ang kahalagahan ng agrarian reform sa mga magsasaka at komunidad.

Ayon kay DAR-Abra OIC – Provincial Chief Administrative Officer Mariflor B. Torreliza, mahalaga ang papel ng kabataan sa pagpapanatili ng agrikultura. “May kapangyarihan silang hubugin ang mas magandang kinabukasan para sa ating mga magsasaka at sa bansa,” aniya.

Sa pamamagitan ng proyektong ito, matagumpay na naipakilala ng DAR-Abra sa kabataan ang kanilang papel sa agrikultura, repormang panglupa, at pagpapaunlad ng kanayunan.