--Ads--

Patuloy ang mataas na presyo ng bigas sa La Trinidad, Benguet, na nagdudulot ng hamon lalo na sa mga pamilyang may mababang kita. Kung dati, may bigas pang nagkakahalaga ng ₱35–₱40 kada kilo, ngayon ang pinakamurang bigas sa palengke ay nasa ₱45.

Narito ang ilan sa kasalukuyang presyo ng bigas:

  • Jasmine – ₱55
  • Jasmine Denorado – ₱50
  • Golden Buddha at Japonica – ₱60
  • Brown Rice Organic – ₱85
  • Red Rice – ₱120
  • Ifugao Rice Organic – ₱130
  • Balatinao Malagkit – ₱150–₱200 kada kilo

Ayon sa mga nagtitinda, inaangkat nila ang bigas mula sa Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, at Pangasinan. Dagdag pa nila, pinapatungan nila ng ₱80 kada 25 kilo ang presyo para mabawi ang puhunan at gastos sa transportasyon.

Ani ng isang tindera, maliit lamang ang kanilang tubo, na ginagamit para sa pang-araw-araw na gastusin. Hamon sa kanila ang pabago-bagong presyo, imbakan ng bigas, at tiwala ng mamimili sa kabila ng mataas na demand. | via Bombo Jay-an Gabrillo