--Ads--

Patuloy na pinaiigting ng Pamahalaang Lungsod, sa pamamagitan ng City Health Services Office at Smoke-Free Task Force, ang kampanya laban sa paninigarilyo at vaping sa pampublikong lugar sa Summer Capital.


Ayon kay JD Rivera, communications officer ng Smoke-Free Task Force, regular na isinasagawa ang orientations sa mga barangay para turuan ang mga opisyal at volunteers sa wastong paggamit ng citation tickets. Kasabay nito ang random inspections—minsan dalawang beses kada buwan at biglaang pag-check—upang matiyak ang pagsunod sa batas.


Noong 2024, 20 designated smoking areas ang inaprubahan, at 16 establishments ang nag-renew ng kanilang permits. Mahigpit ang pagsusuri ng applications bago aprubahan o tanggihan ang mga ito.


Bahagi rin ng kampanya ang Information Education Campaigns sa pamamagitan ng pamamahagi ng materials at paalala sa mga barangay lectures at pampublikong pagtitipon.


Noong nakaraang taon, mahigit 1,000 indibidwal at establishments ang na-apprehend ng CHSO, Baguio City Police Office, Department of Science and Technology, sanitation division, at community enforcers.


Pinapakita ng multi-sektoral na pagtutulungan na seryoso ang Baguio sa pagpapanatili ng pagiging smoke-free city sa pamamagitan ng batas, edukasyon, at pakikilahok ng komunidad.