Naglabas ng pahayag si Sandara Park o Dara kaugnay sa alegasyon ng kapwa niya 2NE1 member na si Park Bom tungkol sa umano’y isyu ng droga.
Sa kanyang Instagram Story, mariing itinanggi ni Dara ang paratang at sinabing, “I have never used drugs. I wish her well.”
Sa isang na-delete na post, iginiit ni Bom na ginamit umano siya upang pagtakpan ang sinasabing drug issue ni Dara. Ayon pa kay Bom, siya ay may Attention Deficit Disorder o ADD at ang kanyang iniinom na gamot ang nauwi sa kontrobersiya noon.
Umani ng iba’t ibang reaksyon online ang isyu, habang ayon sa ulat ng Korean media, isinulat umano ni Bom ang naturang liham habang hindi siya nasa maayos na kondisyon.
Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag mula sa YG Entertainment at kay CL hinggil sa kontrobersiya.






