--Ads--
Dinomina ng magkapatid na Carlos at Eldrew Yulo ang floor exercise event sa 2026 Asian Gymnastics Championships sa Zunyi, China, matapos makamit ang dalawang puwesto sa podium noong Sabado.
Nakuha ni Olympic double gold medalist Carlos Yulo ang gintong medalya sa iskor na 14.700, habang ang kanyang nakababatang kapatid na si Eldrew ay tumapos sa ikatlong puwesto at nakasungkit ng bronze sa 14.300 puntos. Nakuha naman ng Japanese gymnast na si Shoma Tsukiyama ang silver medal.
Nauna nang nanguna si Carlos sa qualification round sa iskor na 14.433, habang si Eldrew ay pumuwesto sa ikawalo para makapasok sa finals.
Pareho nang nakapasok ang magkapatid sa finals ng horizontal bar, habang si Carlos ay sasabak din sa parallel bars final.





