--Ads--

Ibinunyag ni content creator BB Gandanghari na bumalik siya sa Pilipinas matapos ma-diagnose ng cardiovascular condition habang nasa Estados Unidos.

Ayon kay BB, may nakitang bara sa kanyang puso at una sanang sumailalim sa angiogram sa Amerika, ngunit nagpasya siyang humingi ng second medical opinion sa Pilipinas.

Aniya, sumailalim siya sa isang medical procedure noong nakaraang linggo at umaasang mas malinaw na matutukoy ang kanyang kondisyon.

Ibinahagi rin ni BB na nagbago siya ng lifestyle at diet, at pansamantalang namalagi sa Iloilo upang makapagpahinga.

Dagdag pa niya, lumiit na umano ang bara sa kanyang puso at patuloy pa rin siyang namumuhay nang aktibo.