Nakahanda na ang mga tauhan ng La Trinidad MPS na ide-deploy sa iba’t ibang sementeryo sa La Trinidad, Benguet, sa paggunita ng Undas sa Nobyembre 1 at 2.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay PLTCOL Elpidio Pagoy, hepe ng La Trinidad Municipal Police Station (MPS), sinabi nitong aabot sa 250 katauhan ang ide-deploy sa mga sementeryo sa bayan. Kabilang sa bilang na ito ang mga force multiplier at iba pang law enforcement units.
Siyam na sementeryo ang babantayan sa La Trinidad. Kabilang sa mga pangunahing tututukan ng kapulisan ang mga sementeryo sa Buyagan, Wangal, partikular sa Pyramid, at Lubas.
Samantala, magtatalaga rin ng mga tauhan sa mga tourist spot upang tumulong sa pagpapanatili ng seguridad at sa pamamahala ng daloy ng trapiko sa panahon ng Undas.
Ayon kay Pagoy, hanggang Oktubre 31 ang itinakdang paglilinis sa mga sementeryo.
Ipinagbabawal naman ang pagdadala ng mga bladed weapon, kagamitan o tools, alak, braha at iba pang ipinagbabawal na bagay sa mga sementeryo sa Nobyembre 1 at 2.
Ang mga nasabing bagay ay kailangang iwan sa checkpoint area.











