--Ads--
Inihayag ni retiradong Supreme Court Associate Justice Adolfo Azcuna na dapat isama sa bilang ng two-thirds majority ang lahat ng kasalukuyang miyembro ng Senado sa impeachment trial.
Ayon kay Azcuna, tanging ang senador na namatay, natanggal sa puwesto o nagbitiw ang maaaring hindi isama sa denominator.
Sinabi rin niyang maaaring magtakda ang Senado ng sariling panuntunan kung maaaring bumoto ang isang senator-judge na hindi dumalo o aktibong nakilahok sa mga pagdinig.
Nagbigay rin ng kanilang ekspertong pananaw bilang amici curiae sina dating Chief Justices Artemio Panganiban, Hilario Davide at Reynato Puno hinggil sa kinakailangang boto para sa conviction sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.










