--Ads--
Naobserbahan ang mapayapa at maayos na pagdaos ng Semana Santa sa Atok, Benguet, ayon sa lokal na pamahalaan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Baguio kay Mayor Franklin Smith, sinabi niyang kakaunti ang turistang umakyat sa lugar ngayong taon.
Tinatayang bumaba ng 60% ang bilang ng mga turista, batay sa kanilang nakolektang environmental fee na karaniwang tumataas kapag dagsa ang mga bumibisita.
Ayon sa alkalde, wala umano silang magagawa sa naturang sitwasyon dahil sa patuloy na krisis na kinakaharap ng bansa.
Samantala, kinilala rin ng opisyal na naapektuhan ang mga magsasaka sa Atok. Kaugnay nito, nagsisikap ang mga awtoridad at ang tanggapan ng alkalde na mabigyan ng kinakailangang tulong ang sektor ng agrikultura.











