--Ads--

Nagpaalala ang Department of Education-Cordillera na iwasan ang extravagant na paggastos sa mga attire ng graduates sa kanilang completion o moving-up activities.

Sa panayam ng Bombo Radyo Baguio, sinabi ni Cyrille Gay Miranda, spokesperson ng DepEd Cordillera, na mas mahalaga ang simple ngunit “meaningful” na selebrasyon. Binanggit din niya na hindi mandatory ang paggamit ng toga.

Para sa venue, inirerekomenda ang gymnasium o covered court kung kinakailangan, at open area para sa maiinit na lugar. Iginiit niya na bawal ang anumang koleksyon o fee kung may magulang na hindi sang-ayon, at hindi dapat pinipilit ang sinuman.

Ipinaliwanag ni Miranda na ang mga learners ay kasama pa rin sa final list ng graduation o moving-up ceremony kahit hindi nagbayad sa voluntary fee contribution. Walang dapat na i-exclude sa selebrasyon dahil lamang sa hindi pagbabayad.

Tungkol sa guest speaker, nasa pamunuan ng paaralan ang desisyon, basta’t ang mensahe ay angkop sa okasyon at hindi naglalaman ng personal na isyu.