BAGUIO CITY – Pinaghahandaan ngayon ng lungsod ng Baguio aNg pagdaraos ng ika-pitong fishing tournament sa Burnham Lake na isasagawa sa Hunyo 12, sa araw ng kalayaan sa kasalukuyan taon.
Ito ay sa kabila ng patuloy na pagbaba ng level ti tubig sa Burnham lake dahil sa epekto ng El Nino Phenomenon.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Rafael Serrano, Coordinator ng Burnham Lake Fishing Tournament, nagsimula na ngayong araw ang registration para sa mga interesadong makilahok sa Fishing Tournament at bukas ito hindi lang sa mga residente ng lungsod ng baguio kundi sa mga bisita at turista.
Sinabi nito na inaayos na nila ang karagdagang alituntunin na ipapatupad sa nasabign aktibidad kung saan bibigyan ng tatlong oras ang mga kalahok sa fishing tournament at maaari silang gumamit ng bangka pero dapat silang gamitin ang sarili nilang kagamitan.
Paliwanag pa ni Serrano na hindi hadlang ang pagbaba ng lebel ng tubig sa Burnham Lake sa pagsasagawa ng torneo dahil nadagdagan naman ang level nito dahil sa naranasang pag-ulan sa mga nakaraang araw.
Ayon sa kanya, ang makakahuli ng pinakamalaking isda ay makatatanggap ng cash prizes, trophies at special prizes.
Matatandaang kabilang sa mga isda na nabubuhay sa Burnham Lake ay tilapia, carp, coi at cat fish.
Matatandaang ding huling naipatupad ang Burnham lake fishing tournmant noong nakaraang Marso ay nilahokan ng 20 katao mula sa ibat-ibang lugar mula sa Baguio, Bulacan, Pampanga, at Abra kung saan ang pinakamalaking nahuli ay tilapia na may habang tatlumpo at kalahating (301/2) pulgada.