--Ads--
Tumanggi ang developer ng mobile game na GoreBox, si Felix Filip, na dumalo sa pagdinig ng Senado kaugnay ng pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City.
Ayon kay Senadora Risa Hontiveros, ikinadismaya niya ang desisyon ni Filip na hindi dumalo sa pagdinig dahil nais sana niyang marinig ang panig nito. Sinabi rin niyang hihingi siya ng tulong sa Embahada ng Alemanya upang mapadali ang paglahok ni Filip, na nakabase sa Germany, sa pagdinig na nakatakda sa Hulyo 1.
Nanatiling bukas ang Senado sa posibilidad na makadalo si Filip kung magbabago ito ng pasya.









