--Ads--

BAGUIO CITY-Inamin ni Special Action Force (SAF) 2nd Battalion Commander Police Superintendent Mario Mayam-es Jr. na hanggang ngayon ay mailap pa rin ang hustisiya sa Fallen SAF 44 ng Mamasapano massacre.

Ito ay sa kabila ng paglipas ng tatlong taon mula nang naganap ang engkwentro sa pagitan ng PNP-SAF at sa grupo ni Malaysian terrorist Zulkifli Abdhir alyas Marwan.

Ayon kay Mayam-es, hanggang ngayon ay damang-dama pa rin ng PNP-SAF ang pighati dahil sa madugong engkwentro lalo na’t hanggang ngayon ay wala pang resulta ang mga kasong ihihain laban sa mga indibidwal na itinuturong nagpahamak sa SAF 44.

Gayunman, nagpasamalat ito kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagdedeklara nito sa tuwing Enero 25 bilang “Day of Remembrance” dahil sa pagiging bayani ng Gallant 44.

Sa kabila ng pagkasawi ng 44 police commandos, sinabi ni Mayam-es na may aral silang natutunan sa kontrobersyal na Oplan Exodus.

Sinabi niya na dahil sa nangyari ay napatibay ang strategic, tactical at koordinasyon ng mga SAF troopers lalo na sa pagsasagawa ng mga operasyon.

Mula sa Fallen SAF 44, ay 13 sa mga ito ang Cordilleran.

Kabilang dito sina:

PCI Gednat Garambas Tabdi ng La Trinidad, Benguet
PCI Cyrus Aniban ng Balbalan, Kalinga
SPO1 Robert Domollog Allaga ng Banaue, Ifugao
SPO1 Noel Onangey Golocan ng Mankayan, Benguet at Sagada, MP
PO3 Peterson Indongsan Carap ng Kabayan, Benguet
PO3 Walner Faustino Danao ng Irisan, Baguio City
PO3 Franklin Cadap Danao ng Tinoc, Ifugao
PO3 Jerry Dailay Kayob ng La Trinidad, Benguet
PO3 Noble Sungay Kiangan ng Mankayan, Benguet
PO3 Nicky de Castro Nacino Jr. ng Baguio City
PO3 Joel Dulnuan ng Kiangan, Ifugao
PO2 Russel Bawaan Bilog ng Tabuk City, Kalinga at Sagada, MP
PO2 Gringo Charag Cayang-o ng Sadanga, MP
PO2 Angel Chocowen Kodiamat ng Bontoc, MP at Mankayan, Benguet