--Ads--

BAGUIO CITY – Pangungunahan ng Department of Interior and Local Government at Presidential Management Staff Regional Field Unit ang ikalawang bahagi ng Cordillera Regional consultation tungkol sa federalismo dito sa lungsod ng Baguio ngayong araw.

Magaganap ang konsultasyon sa University of Baguio gymnasium mamayang alas dos ng hapaon.

Pangunahing makikilahok sa aktibidad ang mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan sa Cordillera.

Makikibahagi rin dito ang mga kinatawan mula sa mga civil society organizations, non-government organizations, indigenous communities, at mga kooperatiba.

Maisasagawa ang konsultasyon para malaman ang kaisipan ng iba’t-ibang sektor sa isinusulong na federalismo.