--Ads--

Isang ginang ang kinagiliwan ng mga netizens dahil sa galing nitong gumamit ng chainsaw matapos nitong putulin ang nakatayong basketball ring malapit sa kanilang bahay sa Barangay Disimuray, Cauayan City, Isabela.

Sa impormasyon na ibinahagi sa Bombo Radyo Cauayan ni Dimple Sobre-Peña Fernandez na siya ring kumuha ng naturang video, ipinatayo ng kaniyang mga kapatid ang basketball ring subalit madalas aniya na may dumadaang mga sasakyan sa lugar kaya nangamba silang magdulot ito ang aksidente lalo at karamihan sa mga naglalaro ay mga bata.

Pinakiusapan naman aniya nila ang isa sa kaniyang mga kapatid na nagtayo ng basketball ring na alisin ito subalit hindi umano ito tumalima.

Makikita sa video ang isa sa mga kapatid niyang babae ang lakas loob na kumuha ng chainsaw at pinutol mag-isa ang basketball ring.