BAGUIO CITY – Tumaas sa 32% ang kaso ng dengue sa Baguio City sa nakalipas na tatlong linggo ngayong taon.
Ayon kay Dr. Celia Flor Brillantes, Acting City Health Officer ng City Health Services Office, lahat ng barangay sa lungsod ay nakaalerto at nagsasagawa ng Denguerra Activities na ipinapatupad sa araw ng Huwebes ng bawat linggo.
Bukod dito, hinihimok din ang mga opisyal ng barangay na magsagawa ng clean-up drive tuwing tatlong araw.
Una nang sinabi ni Dra. Brillantes na nakapagtala ang Department of Health – Cordillera ng aabot sa limang daan na kaso ng dengue sa unang quarter ng kasalukuyang taon ang naitala sa lungsod ng Baguio kung saan karamihan sa mga kaso ay nagmula sa buwan ng Mayo at ung linggo ng Hunyo.
Samantala, aabot na sa 2,112, na kabuuang bilang na kaso ng dengue ang itinala ng Department of Health – Cordillera kung saan nangunguna ang lalawigan ng Benguet na may 759 na kaso mula Enero uno hanggang Hunyo uno ngayong taon.
Sa nasabing bilang, tatlong indibidwal ang namatay sa naturang sakit, mula sa lalawigan ng Apayao, Benguet at lungsod ng Baguio ngayong taon.