--Ads--

Nakatuok na rin ang lokal na pamahalan ng La Trinidad sa mga paghahanda para sa paparating na Mahal na Araw.

Sa isang pulong na dinaluhanng LGU, PNP, MDRRMO, BFP,Municipal Health Services, at Tourism Office, nailatag na ang mga plano upang matiyak ang maayos at ligtas na selebrasyon ngayong Mahal na Araw. Inaasahan na mailalabas ang Executive Order sa anumang oras.

Ayon kay Mayor Roderick Awingan, ipatutupad din ang liquor ban simula gabi ng Huwebes hanggang Sabado, bilang bahagi ng paggalang sa Good Friday at Black Saturday.

Layunin ng LGU na mapanatili ang kaayusan,kaligtasan, at katahimikan sa buong bayan sa panahon ng Mahal na Araw.