--Ads--

Pansamantalang sinuspinde ni Roderick Awingan, alkalde ng La Trinidad, ang pagpapatupad ng number coding scheme sa nasabing munisipyo.

Batay sa pahayag ng La Trinidad Public Information Office, layunin ng hakbang na magbigay ng agarang ginhawa sa mga commuter, mapabuti ang accessibility at mobility ng publiko, at masuri ang kasalukuyang kalagayan ng trapiko habang umiiral ang suspensyon.

Epektibo ang pansamantalang suspensyon simula ngayong araw hanggang Mayo 1, 2026.

Pinapayuhan din ang publiko na basahin ang kabuuang Administrative Order at ang ordinansa hinggil sa Vehicle Number Coding Scheme para sa karagdagang detalye.