Inaasahang dadagsa bukas ang maraming bisita na manonood sa FIFA WORLD CUP, ang pinakasikat na laro sa buong mundo, na gaganapin sa Qatar simula Nobyembre 20 hanggang Disyembre 25.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Bombo International Correspondent Christian Lobredo na tuloy tuloy ang pagdating ng mga delegates, coaches at mga bisita.
Ayon sa kanya, inaasahang ang 100% na pagdating ng mga Supreme Committee bukas habang mahigpit ang pagbantay ng mga security personnel upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Nagbigay naman ang host-country ng libreng sakay sa mga bisita para di sila mahirapan na pumunta sa venue.
Ang mga electric bus ay naglilibot kada sampong minuto.
Ayon pay kay Lobredo, nakarating na sa bansang Qatar ang apat na national teams kabilang ang Argentina, South Korea, Japan at Estados Unidos.
Unang mapapanood ang laban ng Qatar at Ecuador sa Lunes, Nobyembre 21.