--Ads--
Simula alas-9:45 ng umaga ngayon, umabot sa 1,741 ang aktwal na bilang ng mga dumalo sa alumni gathering.
Karamihan sa mga alumni ay mula sa Class of 2001, na may kabuuang 120 na dumalo.
Ang pinakamatandang kalahok ay si CAV Filoteo Arevalo, 92 taong gulang, mula sa Baguio City at kabilang sa Class of 1956, at ang pinakabata naman ay si CAV Alexis Misol, 21 taong gulang, mula sa Leyte at kabilang sa Class of 2025.
Samantalang, aabot sa humigit-kumulang 4,800 ang dumalo sa PMA Alumni Homecoming 2026.





