--Ads--
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Miyerkules si dating Interior Secretary Benhur Abalos bilang Cabinet Secretary, ayon sa Malacañang.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na nakatakdang manumpa si Abalos sa kanyang bagong posisyon sa araw ding iyon.
Nagsilbi si Abalos bilang kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) mula 2022 hanggang 2024 bago tumakbo sa pagka-senador noong 2025 midterm elections ngunit natalo.
Ang appointment kay Abalos ay isinagawa matapos lumipas ang isang taong pagbabawal sa ilalim ng Konstitusyon sa pagtatalaga sa mga kandidatong natalo sa halalan sa anumang posisyon sa gobyerno.









