--Ads--

BAGUIO CITY – Isa nang ganap na Cordilleran si Presidential Peace Adviser Jesus Dureza.

Ito ay makaraan siyang i-adopt sa ika-30 na Foundation Anniversary ng rehiyong Cordillera at mabigyan ng pangalan na “Memsapit.”

Ang salitang “Memsapit” ay salitang Kankana-ey na nangangahulugan na “peacemaker.”

Aniya, ito ang kauna-unahang pagkakataon na i-adopt siya ng isang lugar kaya ganun na lamang ang kanyang kagalakan.

Maliban sa pangalang ibinigay sa kanya ay binigyan din ito ng bahag o G-string, kalasag o shield at gangsa o gong.

Samantala, muli naman niyang ibinahagi ang kanyang suporta sa House Bill 5343 o ang pagdideklara ng Autonomous Region of the Cordillera.

Sinabi niya na ito mismo ang kumausap kay Pangulong Rodrigo Duterte upang bigyan nito ng pagkakataon ang mga opisyal ng Cordillera na ipaliwanag ang nilalaman ng panukalang batas.

Dahil dito ay tutungo sa MalacaƱang ang mga opisyal ng rehiyon sa Hulyo 25 upang personal na kausapin si Pangulong Duterte.

Dagdag pa niya, posible din daw umanong bigyang atensiyon ni Pangulong Duterte ang rehiyon Cordillera sa ikalawang State on the Nation Address (SONA) nito sa Hulyo 24.