--Ads--

BAGUIO CITY – Hinatulan ng reclusion perpetua ang tatlong suspek na may kinalaman sa pagkamatay ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio noong Setyembre 2019.

Sila ay sina former PMA 3rd Class Shalimar Imperial Jr. at Felix Lumbag Jr., at 3rd Class Julius Carlo Tadena.

Sa desisyon ng Baguio City Regional Trial Court (RTC) Branch 5 Presiding Judge Ligaya Itliong-Rivera, hinatulan ng reclusion perpetua ang mga ito dahil sa paglabag sa anti-hazing law.

Pagbabayarin din si Imperial at Lumbag ng P185-K in damages habang P2-million in damages kay Tadena.

Una nang hinatulan ng Municipal Trial Court for Cities Branch 1 sa Baguio si Tadena ng lesser physical injuries at si Cadet 2nd Class Christian Zacarias ng slight physical injuries noong 2023.

Namatay ang 20-anyos na si Dormitorio noong Setyembre 18, 2019 dahil sa malubhang pinsalang idinulot ng kanyang mga upperclassmen.