Itinalaga ang isang temporary staging area para sa mga basura sa Atok, Benguet, partikular sa Sitio Sayet Caliking, bilang pansamantalang solusyon sa problema sa solid waste management sa munisipyo.
Ayon kay Atok Mayor Franklin Smith, nakikita nila ang pagpapalakas ng Information, Education, and Communication (IEC) Campaign sa mga barangay bilang long-term solution sa pamamahala ng basura. Kabilang dito ang disiplina sa segregasyon ng basura, pagsunod sa iskedyul ng pagtatapon, at ang pagtatayo ng isang Materials Recovery Facility (MRF).
Ani Mayor Smith, wala pang Engineered Sanitary Landfill sa Atok dahil karamihan ng lupain sa lugar ay watershed at communal forest. Pansamantala, sinisikap ng lokal na pamahalaan na pamahalaan ang basura sa pamamagitan ng mga pansamantalang hakbang upang mapanatili ang kalinisan at kaligtasan ng komunidad. | via Bombo Marielle Apat











