--Ads--

QATAR – Ubos na ang ibinebentang ticket para sa FIFA World Cup 2022 sa Qatar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Baguio, sinabi ni Bombo International Correspondent Christian Lobredo, sold-out agad ang ticket hanggang sa finals dahil maraming bumili nito para makapanood sa nasabing football tournament.

Subalit ayon kay Lobredo, may mga ilang katao ang pinaniniwalaang nagbebenta ng kanilang biniling ticket sa mga nagnanais manood pero sa mas malaking halaga.

Ngunit ayon sa kaniya, hindi makakaligtas ang mahuhuling gumagawa nito dahil duretso sila sa kulungan.

Una ng sinabi ni Robredo na maraming police personnel ang nagbabantay sa mga stadium kung saan gaganapin ang mga nakatakdang laro para matiyak ang kaligtasan ng mga manonood at mga players.