--Ads--

Nakatanggap ang Baguio City ng katumbas ng isang buwang ulan sa loob lamang ng 10 araw mula Agosto 1 hanggang 10, 2026, bunsod ng tuloy-tuloy na malalakas na pag-ulan na pinalala ng Bagyong “Maymay” at habagat.

Ayon kay PAGASA Baguio Chief Engr. Larry Esperanza, umabot sa mahigit 1,400 millimeters ang naitalang ulan sa lungsod sa loob ng naturang panahon.

Ang normal na rainfall sa buong buwan ng Agosto sa Baguio ay 920.3 millimeters, batay sa datos mula 1981 hanggang 2021.

Ayon naman kay PAGASA Administrator Dr. Nathaniel Servando, naitala sa Baguio ang pinakamataas na dami ng ulan sa mga lugar na naapektuhan ng weather disturbances, na umabot sa 1,413 mm mula Agosto 1 hanggang 9.

Nagsimula ang pag-ulan noong Agosto 1 dahil sa Tropical Depression “Luis” at naging mas matindi sa mga sumunod na araw dahil sa Bagyong “Maymay.”

Nagdulot ang tuloy-tuloy na pag-ulan ng pagbaha, landslide, pagsasara ng mga kalsada at iba pang insidente, kabilang ang nakamamatay na landslide sa Guisad Surong.