--Ads--
BAGUIO CTY – Sugatan ang limang katao matapos bumaliktad ang sinakyan nilang van sa Marcos Highway sa Badiwan, Upper Poblacion, Tuba, Benguet kahapon.
Nakilala ang driver ng van na may plakang WTY 214 na si Crisanto Belgera, 47-anyos, tubo at residente ng San Jose Sur, Agoo, La Union.
Kabilang sa mga sugatan sina Donald Lachica, 28-anyos; Ernesto Jacang Jr., 50-anyos; Joseph Anicete, 28-anyos, at si Alvin Gawra, 25-anyos, na kapwa residente ng Agoo, La union
Batay sa imbestigasyon, pababa sa kalsada ang sasakyan ng nawalan ito ng preno.
Dahil dito, ibinangga na lamang ng driver ang van sa barrier ng kalsada na nagresulta sa pagkakabaliktad nito.
Nagtamo ng sugat ang mga biktima na agad namang naisugod sa pagamutan.










