--Ads--
BAGUIO CITY– Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikilala ang lalaki na natagpuan sa ilog sa Shilan-Lamut-Beckel Road sa La Trinidad, Benguet.
Dahil dito ay umapela si PCI Benson Macli-ing, hepe ng La Trinidad PNP sa mga pamilya na nawawalan ng kaanak na magtungo sa Bahay Damayan na isang punerarya sa lungsod ng Baguio upang tingnan kung ito ang kanilang kaanak.
Aniya, ang nasabing lalaki ay nakasuot ng itim na t-shirt, maong na pantalon, may mahabang buhok at mayroon ding tattoo ng tao sa kaliwang bahagi ng kanyang paa.
Sinabi ni Macli-ing na isasailalim pa sa karagdagang pagsusuri ang katawan upang malaman ang dahilan ng pagkamatay nito dahil tinatayang isang buwan na itong patay.