Sapat at matatag pa rin ang suplay ng bulaklak sa rehiyon ng Cordillera, partikular ng mga rosas, bilang paghahanda sa nalalapit na pagdiriwang ng Araw ng mga Puso ngayong Pebrero.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Andy Colte Sr. ng Cutflower Industry–Cordillera, matagal nang naghahanda ang mga lokal na nagtatanim ng bulaklak upang matiyak ang sapat na suplay para sa peak season ng bentahan tuwing Valentine’s Day.
Sinabi ni Colte na maganda ang ani ngayong taon dahil naging paborable ang lagay ng panahon at halos walang malalakas na pag-ulan, dahilan upang manatiling mataas ang kalidad at dami ng produksyon. Aniya, posible pa ngang magkaroon ng over-supply ng mga rosas sa rehiyon.
Karamihan sa mga bulaklak na nagmumula sa Benguet ay ipinapadala sa Maynila at sa iba pang bahagi ng Northern Luzon, kung saan mataas ang demand tuwing Araw ng mga Puso.
Umaasa rin si Colte na lalong tataas ang bentahan sa mga susunod na araw, kabilang ang mga sariwa at papel na rosas, at hinikayat ang publiko na tangkilikin ang mga lokal na produktong bulaklak bilang suporta sa mga magsasakang Pilipino.
Samantala, inamin ni Colte na patuloy nilang hinaharap ang hamon ng ilegal na pagpasok ng mga imported na bulaklak mula sa ibang bansa, na nakaaapekto sa presyo at bentahan ng lokal na produkto.
Ayon sa kanya, nalalaman nilang ang impormasyong mula sa mga nagbebe
Dagdag pa rito, nakikipagkumpitensya rin ang industriya sa lumalaganap na paggamit ng crocheted o artificial flowers, na mas tumatagal ngunit hindi kayang tumbasan ang halimuyak at sariwang kalidad ng tunay na bulaklak.











