Baguio City- Ipagpatuloy ni Filipino race car driver Iñigo Anton ang paglahok sa Formula 4 habang pinapalawak ang kanyang partisipasyon sa international circuit racing at Gymkhana events. Mananatili rin siyang aktibo sa Philippine motorsport scene, kabilang ang buong season na kampanya sa 2026 Toyota Gazoo Racing (TGR) Tamaraw One-Make Race (OMR).
Bukod dito, layunin din ni Iñigo na lalo pang palakasin ang kanyang presensya sa simulator racing, kung saan kinikilala siya bilang isa sa mga nangungunang sim racers sa Pilipinas.
Kaungay nito, nagpapasalamat ang racing phenom na ni Anton dahil muling pinagtibay ng Motul Luzon Infiniteserv ang partnership nito sa driving champion bilang suporta sa kanyang kampanya sa karera para sa taong 2026 sa parehong local at international competitions.
Si Anton, na nagsisilbing brand ambassador ng Motul Luzon Infiniteserv, ang nag-iisang Pilipino na nagwagi sa Formula 4 Rookie Championship.
Matapos ang makasaysayang tagumpay na ito, target naman niya ngayon ang overall championship sa susunod na season habang patuloy ding pinapalawak ang kanyang racing program sa ibang bansa.
Isinagawa ang contract signing noong Marso 4 sa headquarters ng Motul, na dinaluhan nina Motul Luzon Infiniteserv President at CEO na si Charlie Ong, kanyang mga staff, at ang pamilya Anton. Photo courtesy of: Karen Navaratte Anton





