BAGUIO CITY — Nagtala ng malaking pagbaba sa bilang ng mga turistang bumibisita sa lungsod ng Baguio ngayong Semana Santa, ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Engr. Charles Carame, Chief ng CDRRMO, umabot sa 40% hanggang 60% ang ibinaba ng tourist arrivals kumpara sa mga nakaraang taon, base sa ulat ng mga hotel at iba pang tourism-related establishments.
“Medyo matumal, we have observe nga bassit ti bisita tayo tatta in fact kunan dagitoy hotel ken and h-rub tayo around 50-40% ti 60% ti decrease dagiti inflacts ti visitors as compared to previous years.”
Engr. Charles Carame, Chief ng CDRRMO,
Dagdag pa niya, hindi naramdaman ang karaniwang sitwasyon tuwing Semana Santa kung saan siksikan ang mga turista at matindi ang daloy ng trapiko sa lungsod.
“Dati marikna tayon nga residente nga nag traffic en ken adu ti bibisita tayon ngem as of the moment na-observe tayo medyo nagrikus tayo ngem awan ti makita tayo nga inflacts nga talaga as compared to previous year.”
Engr. Charles Carame, Chief ng CDRRMO,
Sa kabila nito, umaasa ang lokal na pamahalaan na tataas pa ang bilang ng mga bisita sa mga susunod na araw ng Semana Santa, partikular mula Huwebes hanggang Sabado.
“We are projecting atleast 30% to 40% nga ag-icrease kuma ti inflacts kuma ti visitors isunga were hoping and praying kuma nga adda latta ti umay nga bumisita dituy Baguio City.”
Engr. Charles Carame, Chief ng CDRRMO,










