--Ads--

Kinumpirma ng pamilya at mga kinauukulang awtoridad ang pagkamatay ni Pearl of the Philippines Pampanga 2023 candidate Geneva Lopez at ng kanyang Israeli fiancé na si Yitshak Cohen ngayong araw, June 6 sa kasalukuyang taon.

Natagpuan ang hinihinalang libingan at mga naaagnas na bangkay ng mga ito sa Barangay Sta. Lucia, Capas, Tarlac.

Ayon sa mga awtoridad, isang saksi ang nag-ulat ng impormasyon tungkol sa hinihinalang libingan ng mga biktima.

Nauna nang sinabi ng pamilia ng mga biktima na nawawala sina Lopez at Cohen noong Hunyo 21 ng taong ito at huling nakita sa isang SUV na patungo sa Tarlac para sa isang transaksyon ng lupain, na balak nilang bilhin sa nasabing lalawigan.

Gayunman, natagpuang sunog ang mga SUV sa Barangay Cristo Rey, Capas noong Hunyo 22 nitong taon.