--Ads--

Isa sa mga pangunahing problema ng Barangay Poblacion, La Trinidad, Benguet ang pagpapatupad ng curfew para sa mga menor de edad at ang pagbibigay ng alak sa kanila.

Ayon kay Committee on Peace and Order Chairman Bruno Siadto Jr., hindi pare-pareho ang oras ng operasyon ng mga bar at tindahan sa lugar. Aniya, may ilan na nagbubukas bandang alas-4 ng hapon, habang ang iba naman ay hanggang alas-12 ng hatinggabi o alas-1 ng madaling araw.

Dahil dito, aminado siyang nahihirapan ang mga barangay enforcer na masubaybayan ang lahat ng establisimyento. Gayunman, iginiit ni Siadto Jr. na ginagawa ng barangay ang lahat ng makakaya upang maipatupad ang umiiral na ordinansa, na aniya’y isa sa mga prayoridad ng Peace and Order Committee.

Bukod dito, nakatuon din ang barangay sa pagtugon sa mga paglabag sa trapiko, kabilang ang anti-road obstruction. Ayon kay Siadto Jr., mahalagang manatiling mapagmatyag ang mga awtoridad dahil ang mga paglabag na ito ay kabilang sa mga dahilan ng pagsisikip ng daloy ng trapiko. | via Bombo Noveh Organo