--Ads--

Inihayag ni Atty. Francis Camtugan, isang kilala at outspoken na human rights lawyer, na anumang oras ay maaaring magpasya ang Senado na ang mga kasong isinampa, reklamo, o indictment laban kay VP Sara Duterte ay hindi maituturing na impeachable offense.

Ayon sa kanya, maaari ring ipahayag ng Senado na hindi umabot ang mga alegasyon sa antas ng culpable violation of the Constitution, treason, bribery, corruption, at iba pang batayan para sa impeachment.

Iginiit ng abogado na maaaring mangyari ang mga ganitong pagtingin o desisyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Baguio, sinabi ni Atty. Camtugan na dapat maging mas maingat ang Senado sa paghawak ng kaso ni VP Sara Duterte, partikular sa Articles of Impeachment, dahil sa naging karanasan ng bansa sa impeachment case ni Renato Corona, na para sa kanya ay naging pagkakamali sa naging paghatol.

Aniya, hindi na dapat maulit pa ang ganoong sitwasyon.