--Ads--
Nananatiling walang talo ang Cordilleran pride na si Carl Jammes Martin matapos ang nanimous decision na panalo laban sa Thai fighter na si Aran Dipaen.
Sa ika-siyam na round, umiskor si Martin ng sarili niyang knockdown, kahit na ito ay bahagyang sanhi ng isang slip.
Sa kabila nito, nanatiling “composed” ang Ifugao warrior at ipinagpatuloy ang laban hanggang sa sampung round laban sa walang humpay na Thai challenger.
Lahat ng tatlong judges ay umiskor na pabor sa kanya, itinaas ang record ni Martin sa 27-0 na may 20 knockouts, habang si Dipaen ay bumaba sa 21-5 na may 18 knockouts.
Ang laban ay bahagi ng 50th Anniversary of the Thrilla in Manila celebration.









