--Ads--

Baguio City – Nakahandang harapin ni newly crowned One Strawweight champion Joshua Pacio ang American brawler na si Jared Brooks sa isang trilogy match upang matuldukan kung sino ang hari sa 125lbs division.

Ayon sa three time One Strawweight champion, mas nararapat si Brooks na maging challenger sa hawak nitong titulo sa unang pagdepensa nito dahil sa pagiging propesyunal at mapagkumbaba nito na pinakita sa kanya sa huling dalawang laban nila.

Paliwanag pa ng Igorot mma fighter na sa lahat ng malalakas na manlalaro sa strawweight ay tanging si Brooks lang ang nais niya makaharap na sana ay ibigay ito ng One Championship.

Naging laman ng ibat ibang social media platforms at nahati ang opinyon ng mma fanatics ang nakaraang laban ng dalawa sa Qatar dahil sa iligal na pagtapon ni Brooks kay Pacio kung saan nauna ang ulo na bumagsak sa canvass at nagresulta sa diskuwalipikasyon kay Brooks at pumabor sa 28 anyos na pinoy fighter para maging kampeon muli.

Sa ngayon ay nakabalik na sa Benguet ang Cordilleran martial artist at kasalukuyang nagrerekober sa tinamo nitong injury sa leeg at ulo.

Nagpapasalamat pa ang Lions Nation MMA standout dahil sa negatibong resulta ng lahat ng kanyang medical examination pagkatapos ng laban at agad itong sasabak sa ensayo at training para mapaghandaan ang susunod nitong title fight.//Bombo Jordan Tablac