--Ads--

Naaresto ang dalawang indibidwal, kabilang ang isang street-level individual, sa magkahiwalay na drug buy-bust operation ng Drug Enforcement Unit ng Baguio City Police Office noong Enero 16, 2026.

Arestado ang isang 33-anyos na street-level individual sa harap ng isang restaurant sa Legarda Road, Rizal Monument, Baguio City matapos makuha sa kanya ang isang heat-sealed transparent sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 0.5 gramo, na may tinatayang Standard Drug Price (SDP) na P3,400.

Nakuha rin mula sa suspek ang ilang personal na kagamitan tulad ng cash, slingbag, cellphone, lighter, at iba pa. Pinangunahan ang operasyon ng Baguio City Police Office–Police Station 8 sa pakikipagtulungan ng 2nd Platoon City Mobile Force Company (CMFC), City Intelligence Unit (CIU), City Investigation and Division Management Unit (CIDMU), at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Samantala, sa kaparehong buy-bust operation sa Purok 5, Barangay SLU-SVP Oldsite, Baguio City, naaresto ang isang lalaki na nagngangalang “Chad,” 43, construction worker at residente ng lungsod.

Nasa 1 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga ng P6,800 SDP ang nasamsam mula sa kanya, kasama ang ilang personal na gamit tulad ng cash at boodle money. Ang operasyon ay pinangunahan ng Drug Enforcement Unit ng Baguio City Police Office–Police Station 10 kasabay ng City Intelligence Unit (CIU).

Parehong nahaharap ang dalawang indibidwal sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act kaugnay ng illegal na droga.| via Bombo Noveh Organo