--Ads--
Photo Credit: Islay Erika Bomogao

BAGUIO CITY- Naghahanda na ulit ang kauna-unahang babaeng Pilipina at 2023 Muaythai Senior Female World Champion na si Islay Erika Bomogao para sa 2023 World Combat Games sa Riyadh Saudi Arabia.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo radyo sa 22-anyos na tubong Baguio City, nagpapasalamat ito sa supportang natanggap niya sa kanyang mga taga-hanga at mga coaches.

Si Islay ay nakakuha ng gold medal kontra kay Camilla Danielsson ng Sweden sa 45-kilogram category senior elite sa kattapos na International Federation of Muaythai Associations World Muaythai Championships na ginanap sa Bangkok Thailand.

Samantala, sa kasalukuyan nagpapagaling na ang athleta mula sa natamong injury sa kamay para sa ensayo nito sa susunod na linggo.

Maalala na una nang sinabi ng Muaythai Association of the Philippines ang panalo ng kauna-unahang Pilipinang babae na Senior Female World Champion.