Kinumpirma ni Baguio City Councilor Atty. Edison Bilog na suspendido pa rin ang lingguhang Sunday pedestrianization sa Session Road noong Abril 12, 2026.
Sa panayam ng Bombo Radyo Baguio, sinabi ng opisyal na ang desisyon ay isinagawa sa pamamagitan ng aksyon ng executive department at may pag-apruba ni Mayor Benjamin Magalong.
Dagdag pa niya, sumang-ayon din sa desisyon ang mga stall owners na karaniwang nagtatayo sa lugar dahil aminado silang nalulugi dulot ng kakaunting bilang ng mga bumibisita. Ipinaliwanag ni Bilog na parehong sumang-ayon ang lokal na pamahalaan at ang mga may-ari ng stall sa hakbang na ito.
Aniya, naniniwala siya na ang pagbaba ng bilang ng mga bumibisita ay kaugnay ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo, dahil sa tensyon sa Gitnang Silangan.
Sa kasalukuyan, wala pang malinaw na desisyon kung gaano katagal ipagpapatuloy ang suspensiyon ng Sunday pedestrianization sa Session Road.










