--Ads--

KIBUNGAN, BENGUET – Tinatayang nasa P15 milyong halaga ng marijuana ang nadiskubre ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera (PDEA-CAR) sa tatlong araw na operasyon sa Sitio Badeo, Kibungan, Benguet mula Marso 24 hanggang Marso 26, 2025.

Sa isinagawang marijuana eradication, binunot ng mga awtoridad ang nasa 48,000 fully grown marijuana plants mula sa apat na plantation sites na may kabuuang lawak na 6,800 metro kuwadrado.

Bukod dito, nakumpiska rin ang 10 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na may halagang P1.2 milyon.

Wala namang naarestong cultivator sa isinagawang operasyon.//Cara Sacyaten