--Ads--

Tataas ng mahigit P2 kada litro ang presyo ng gasolina, diesel at kerosena bukas ng umaga, Martes, Oktobre 15.

Ayon sa oil industry, tatas ang presyo ng gasolina sa P2.65 kada litro; diesel sa P2.70 kada litro, at kerosena sa P2.60 kada litro.

Ang pinakahuling anunsyo ay alinsunod sa mga projection na ginawa ng Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB), ito ay dahil sa alalahanin sa pagkagambala ng suply dahil sa patuloy na geopolitical concerns, production cuts, at hindi planadong refinery outages.

Tumaas din noong nakaraang linggo ang presyo ng petroleum sa diesel na P1.20 kada litro, at kerosena sa P0.70 kada lotri habang hindi nagbago ang presyo ng kerosena.

Samantala, ang pagtaas ng produkto ang nagdulot sa year-to-date adjustments sa net increase na P6.05 kada litro sa gasolina, at P4.05 kada litro sa diesel habang net decrease na P5.35 kada lito sa kerosena.