Senator Ronald 'Bato' dela Rosa speaks to members of the media, at the senate on May 13, 2026.
--Ads--

Walang naitalang pag-alis sa bansa si Senador Ronald “Bato” dela Rosa ngayong araw, ayon sa Bureau of Immigration (BI), kasunod ng mga ulat na umalis siya sa Senado.

Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, “No recent travel po,” at wala silang nakikitang rekord ng international travel ng senador. Dagdag niya, wala ring access ang BI sa mga domestic flight.

Batay sa Senate secretariat, umalis si Dela Rosa sa Senado bandang 2:30 a.m. matapos ang mga ulat ng lockdown sa gusali kung saan siya ay nasa protective custody.

Samantala, itinanggi ng National Bureau of Investigation (NBI) ang presensya ng kanilang mga operatiba sa Senado, sinabing sa GSIS building lamang sila naka-deploy. Nauna na ring sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang direktiba para arestuhin ang senador.

Si Dela Rosa ay may arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng crimes against humanity na may kinalaman sa kampanya kontra droga ng administrasyong Duterte.