--Ads--
Maglalaro rin sa doubles ang Filipina tennis star na si Alex Eala sa Indian Wells Open, kung saan muli siyang makikipagtambal sa Amerikanang si Iva Jovic.
Una silang nagsanib-puwersa sa ASB Classic sa New Zealand noong Enero at umabot sa semifinals. Sa unang laro nila, haharapin nila sina Hailey Baptiste at Jelena Ostapenko sa Round of 32 ngayong Biyernes, oras sa Pilipinas.
Samantala, sisimulan ni Eala ang kanyang kampanya sa singles sa Sabado matapos makatanggap ng first-round bye.
Bago ang torneo, umabot si Eala sa quarterfinals ng Abu Dhabi Open at Dubai Tennis Championships, ngunit maagang natapos ang kanyang kampanya sa Qatar Open.





