--Ads--

BAGUIO CITY – Naitala ng lungsod ang 41 kumpirmadong kaso ng COVID-19 ngayong taon, ngunit nananatiling manageable ang sitwasyon, ayon kay Mayor Benjamin Magalong.

Sa pahayag nitong Hulyo 11, sinabi ni Magalong na karamihan sa mga kaso ay mild at mas nakatuon sa mga health workers at hospital staff, habang mahigpit itong mino-monitor ng City Health Services Office at mga ospital.

Iniutos ng alkalde ang pagpapatibay ng mga protective measures sa mga health facility upang mapanatili ang kaligtasan ng mga pasyente at kawani. Hinikayat din niya ang publiko na ipagpatuloy ang simpleng pag-iingat tulad ng pagsusuot ng mask sa matataong lugar, regular na paghuhugas ng kamay, at pananatili sa bahay kapag may sakit.

Binigyang-diin ni Magalong na walang dapat ikabahala ang publiko at patuloy na magbibigay ng updates ang pamahalaang lungsod kaugnay ng sitwasyon.