--Ads--

Nasagip ng mga responder ang isang lalaki matapos siyang matabunan ng gumuhong bato sa Sitio Dogo, Napua, Sabangan, Mt. Province bandang alas-6:00 ng umaga ngayong Mayo 15, 2026.

Batay sa ulat at panayam sa isang saksi, sinubukan umano ng biktima na iligtas ang kanyang motorsiklo nang mangyari ang rockslide bandang alas-5:00 ng umaga. Ayon naman sa isang residente, nakaranas ng malakas na pag-ulan sa lugar noong nakaraang araw.

Dahil sa insidente, muling nagpaalala ang Mountain Province Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Office sa mga motorista at dumaraan na mag-ingat nang husto habang bumibiyahe sa mga kalsada, lalo na sa gitna ng mga pabugso-bugsong thunderstorms na maaaring magdulot ng pagguho ng lupa at erosion sa mga matatarik na lugar.

Pinapayuhan din ang mga motorista na dumaraan sa Maba-ay–Sabangan–Bontoc Road na pansamantalang gamitin ang alternatibong ruta: Sabangan–Abatan–Bauko–Maba-ay hanggang sa magpalabas ng bagong abiso ang mga awtoridad.